Home NATIONWIDE 94% ng mga Pilipino pabor sa mas ligtas na bike lane, walkway...

94% ng mga Pilipino pabor sa mas ligtas na bike lane, walkway — sarbey

3
0

MANILA, Philippines – Ayon sa survey ng Pulse Asia na isinagawa para sa Mobility Awards, 94% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa pagtatayo ng mas ligtas at mas malalawak na bike lane at walkway.

Isinagawa ang survey noong Mayo 23–26, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 rehistradong botante sa buong bansa.

Lumabas din sa survey na:

-93% ang pabor sa pagpapalawak ng mga nakalaang lane para sa pampublikong transportasyon.

-82% ang sumusuporta sa subsidiya para sa pampublikong transportasyon.

-72% naman ang pabor sa pagpapanatili ng mga polisiyang nagbibigay-priyoridad sa mga pribadong sasakyan.

Ayon sa Mobility Awards, ipinapakita ng resulta ang tinatawag nilang “94% Paradox.” Batay sa pag-aaral ng SWS noong 2022, 94% ng mga pamilyang Pilipino ay walang sasakyan, ngunit patuloy na nababawasan ang pondo para sa imprastraktura ng aktibong transportasyon.

Mula sa ₱2 bilyon noong 2022, bumaba ang pondo para sa active transport sa ₱105 milyon ngayong 2026.

Hinimok ng grupo ang pamahalaan na gawing prayoridad ang active transport, maglaan ng hindi bababa sa ₱1 bilyong pondo sa 2027, at magpatayo ang mga lokal na pamahalaan ng magkakaugnay na bike lane at walkway.

Sa hiwalay na survey ng SWS noong 2023, tumaas sa 36% o humigit-kumulang 10 milyong kabahayan ang gumagamit ng bisikleta. Mahigit kalahati sa kanila (56%) ang nagsabing nagbibisikleta sila upang makatipid sa pamasahe. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here