Home NATIONWIDE Depensa mag-o-object kung walang isasagot sa ebidensya – Barbers

Depensa mag-o-object kung walang isasagot sa ebidensya – Barbers

2
0

MANILA, Philippines – Inaasahang tutulan ng panig ng depensa sa mga ebidensyang ipinapakita ng prosecution kapag wala itong direktang katapat na sagot dito, ayon sa spokesperson at adviser ng House prosecution panel na si dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Gayunpaman, giniit ni Barbers, dapat pa rin bigyang-pagkakataon ang impeachment court na makita at masuri ang mga ebidensyang ipinapakita laban kay Vice President Sara Duterte.

Ipinaliwanag ni Barbers na bahagi  ng trial strategy ang paggawa ng mga objection, ngunit  ang paulit-ulit na pagharang sa ebidensya ay hindi maaaring maging kapalit ng isang malinaw at substanstial na sagot.

“Kung wala silang sagot sa ebidensya na inilalatag ng prosecution, definitely they will object para hindi po ito maipakita at masuri ng ating impeachment court,” ani Barbers.

Sa ikalawang araw ng Senate impeachment trial ay ilang beses na nag-object ang depensa habang inihaharap ng prosecution ang video evidence at testimonya kaugnay ng Article 4, na may kinalaman sa  banta ni VP Duterte.

Sinabi ni Barbers na dapat seryosohin ang isyu ng banta dahil may kinalaman ito sa Pangulo at sa pambansang seguridad. 

“Ito ay hindi lamang national threat kundi banta doon sa ating Pangulo. Any attempt to threaten the national security as well as our President must be taken seriously,” giit ni Barbers.

Naniniwala si Barbers na si VP Duterte ang dapat magpaliwanag sa Article 4 hinggil sa grave threats gayundin sa artikulong tumutukoy sa unexplained wealth.

“Kasi siya ang nasa video, siya ang nagsasalita” ani Barbers.

“Yung unexplained wealth, I believe dapat siguro siya rin mismo yan because siya nakakaalam kung ano ba yung reason bakit tumataas yung iyong net worth sa kada taon na nagde-declare ka ng iyong Statement of Assets and Liabilities,” dagdag pa nito. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here