Home NATIONWIDE Malakanyang kay VP Sara: Kasagutan ‘di legal na teknikalidad gusto ng mga...

Malakanyang kay VP Sara: Kasagutan ‘di legal na teknikalidad gusto ng mga Pilipino

3
0

MANILA, Philippines – Sinabihan ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte na hindi kailangan ng publiko ang tila pagpapatakam na pagsilip niya sa impeachment proceedings sa Senado kundi ang direktang kasagutan sa mga alegasyon laban sa kanya at hindi ang pagsandal sa legal na teknalidad.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi nagawang direktang sagutin ni VP Sara ang mga akusasyon laban sa kanya nang humarap siya sa mga miyembro ng media at nagbigay lamang ng maikling pahayag, araw ng Martes.

“Feeling niya na bloodbath ito at alam naman natin na ito ang kaniyang hiniling. Siya mismo ang nagnanais ng isang bloodbath,” ayon kay Castro.

Tinukoy ni Castro ang pahayag ni VP Sara nang ilarawan nito ang impeachment proceedings sa pamamagitan ng pag-quote sa popular poem Invictus ni William Ernest Henley na “In this bloodbath, in this bludgeoning, I will be bloodied but unbowed.”

Habang tanggap nito na may sariling estratehiya ang legal team ni VP Sara, mas nais ng puibliko na marinig mula kay VP Sara ang pagpapabula sa mga akusasyon laban sa kanya sa halip na idaan sa quote ang mga pahayag.

“Mas nanaisin siguro ng taumbayan na madinig mismo kay Bise Presidente ang pagtanggi ng mga akusasyon sa kaniya, hindi lang puro technicalities ang ginagawa ng depensa,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi ni Castro na marami ang natuwa nang magpakita sa Senado si VP Sara.

“Ikinatuwa natin na sa ngayon ay may nagiging basehan na si Bise Presidente ng kaniyang mga sinasabi,” anito.

Samantala, idinepensa naman ni Castro ang legaidad ng impeachment proceedings matapos na tumakbo ang kampo ni VP Sara sa Korte Suprema para para ipatigil ang impeachment trial dahil sa pagtatalaga kay Sen. Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment court.

Noong Martes, July 7, naghain si Atty. Israelito Torreon ng petisyon sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa pagkakatalaga kay Escudero bilang presiding officer kaya nais ng mga ito na para pansamantalang ipatigil ang paglilitis.

Subalit ayon kay Tolosa, hangga’t walang utos ang SC, dapat aniyang magtuloy-tuloy ang paglilitis impeachment court laban kay Duterte dahil ito aniya ang inuutos ng Saligang Batas. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here