Home NATIONWIDE “Blood” remark ni VP Sara “clickbait” lang, ‘di sagot sa mga kaso...

“Blood” remark ni VP Sara “clickbait” lang, ‘di sagot sa mga kaso sa impeachment – Ortega

4
0

MANILA, Philippines – Inihalintulad ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ang maikling pagpapakita ni Vice President Sara Duterte sa Senate complex sa “clickbait,” na sinasabing nakakuha ito ng atensyon ngunit hindi tumugon sa mga akusasyon laban sa kanya sa impeachment trial.

Nagpakita si Duterte sa Senado nitong Martes ngunit hindi pumasok sa session hall, sa halip, nagbigay siya ng isang linyang pahayag sa mga reporter, “In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed”, bago umalis nang hindi sumasagot sa mga tanong.

“Nagparamdam, parang clickbait nga. Pagka-click mo ay iba naman pala ‘yung nangyari, iba ‘yung laman,” ani Ortega.

Sinabi ni Ortega na inaasahan na niyang lalaktawan ni Duterte ang hearing, at inilarawan ang kanyang maikling pagpapakita bilang bukas sa ibat ibang interpretasyon.

“One-liner lang eh, tapos nag-move out na. So it’s open to interpretation,” ani Ortega.

Nagkomento rin si Ortega sa paulit-ulit na paggamit ni Duterte ng “blood” imagery.

“Mahilig siya sa blood, ‘yun ‘yung napansin ko” pahayag nito.

Samantala, sinabi ni House trial spokesperson Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na inaasahan ng publiko ang direktang mga sagot sa mga akusasyon mula kay VP Duterte.

“These are the questions that the people want to hear from her. Kasi siya po, this is her trial eh,” ani  Adiong.

“Parang it appeared and it sounded like a Game of Thrones-inspired punchline. Ay hindi po ‘yun ang kasagutan at hindi po ‘yun ang inaasahan ng mga tao na ‘yun ‘yung sinasabi nilang handa silang sumagot sa proper forum. Unfortunately, the public was yet again disappointed,” pagtatapos pa ni Adiong. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here