Home NATIONWIDE Lahar flow sa Kanlaon ibinabala sa Bagyong Inday

Lahar flow sa Kanlaon ibinabala sa Bagyong Inday

2
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PHIVOLCS laban sa mapaminsalang lahar flow sa downstream communities sa paligid ng Bulkang Kanlaon.

Ito ay matapos na magkaroon ng katamtamang pagsabog sa bulkan nitong Huwebes ng umaga, Hulyo 9, at banta ng paparating na Bagyong Inday.

Ayon kay Mari Andylene Y. Quintia, resident volcanologist sa Kanlaon Volcano Observatory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nanawagan ito sa mga awtoridad at residente na manatiling alerto sa kalagayan ng bulkan.

Posible rin aniya ang pagdaloy ng lahar dahil sa malalakas na ulan dala ng Bagyong Inday.

Nitong Huwebes ng umaga ay nagkaroon ng tatlong minutong moderate explosive eruption sa Bulkang Kanlaon.

Narinig sa Canlaon City at La Castellana ang malakas na pagsabog.

Nagbuga rin ng abo ang bulkan at nagdulot ng ashfall sa bahagi ng Buluangan sa San Carlos City at Canlaon City. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here