Home NATIONWIDE Mall owners hinikayat ng MMDA, mag-alok ng libreng parking sa banta ng...

Mall owners hinikayat ng MMDA, mag-alok ng libreng parking sa banta ng Bagyong Inday

2
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga shopping mall operator sa buong Luzon na buksan ang kanilang mga parking area para sa libreng overnight parking bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang pananalasa ng Super Typhoon Inday.

Sa memorandum na inilabas ni MMDA Chair Romando Artes, sinabi na epektibo ang panawagan simula ngayong Huwebes ng gabi, Hulyo 9, at mananatili ito hanggang sa tuluyang makalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa MMDA, layunin ng hakbang na mabigyan ng ligtas na mapagpaparadahan ang mga sasakyan ng mga motorista upang maiwasan ang posibleng pinsala dulot ng pagbaha, malalakas na hangin at matinding pag-ulan.

Hinikayat din ng ahensya ang lahat ng mall operator na makiisa sa inisyatibang ito bilang suporta sa paghahanda ng pamahalaan sa banta ng masamang panahon.

Tiniyak naman ng MMDA Public Information Office na agad nitong ibabahagi at ire-repost ang mga opisyal na anunsyo ng mga mall na sasali sa programa upang malaman ng publiko kung saan maaaring mag-avail ng libreng overnight parking.

Nanawagan si Artes sa mga mall operator na makipagtulungan sa MMDA upang makatulong sa pagprotekta sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan habang nananalasa ang Super Typhoon Inday. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here