Home NATIONWIDE Ateneo inatasan ng DOLE na magsumite ng memorandum

Ateneo inatasan ng DOLE na magsumite ng memorandum

3
0
oppo_2

MANILA, Philippines – Inatasan ni Labor Secretary Francis Tolentino ang Ateneo de Manila University na magsumite ng memorandum kasama ang lahat ng kaukulang dokumento sa loob ng pitong araw bago maglabas ng nararanasan at pinal na desisyon sa kaso.

Ito ay kaugnay sa isinasagawang motu propio investigation ng DOLE kaugnay sa nangyaring insidente sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Sinabi ni Tolentino na magiging maingat at patas sila sa pagtukoy kung nilabag o binalewala ba ni Coach Tab Baldwin ang mga umiiral na batas, tungkulin at regulasyon ng DOLE lalo na ang Article 40 ng Labor Code of the Philippines.

Binigyang-diin din niya sa mga employer at iba pang stakeholder na maging mapagmatyag at mananagot sa pagsunod sa mga kinakailangang batas.

Inaasahan ng Kalihim sa mga susunod na hakbang ay mas mapapatibay na ang pagsunod at pagpapatupad sa mga requirement ng AEP, mapapalakas ang transparency at accountability nang maayos at mababalanse nang maayos ang layunin ng pagprotekta sa manggagawang Pilipino at pagbuo ng kapasidad sa mga larangan kung saan kapaki-pakinabang ang expertise alinsunod sa pambansang interes.

Ito ay kaugnay ng naunang pagdinig ng DOLE noong Hunyo 29 kung saan personal na humarap si Baldwin sa Kagarawan.

Ayon kay Tolentino, bago matapos ang Hulyo ay inaasahang made-desisyunan na ang kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here