Home METRO Obrerong bibili lang ng almusal, patay sa sagasa sa pedestrian lane sa...

Obrerong bibili lang ng almusal, patay sa sagasa sa pedestrian lane sa Laguna

4
0

LAGUNA – Nasawi ang isang 25-anyos na factory worker matapos siyang mabundol ng utility van habang tumatawid sa pedestrian lane sa Calamba, Laguna.

Naganap ang insidente nitong Martes ng madaling araw sa Maharlika Highway sa Barangay Makiling.

Ayon sa pulisya, bibili lamang sana ng almusal ang biktima bago pumasok sa trabaho sa isang pabrika nang mangyari ang trahedya.

Sa CCTV footage, makikita ang biktima na huminto sa gitna ng kalsada at tumingin sa kaniyang kanan dahil may paparating na sasakyan. Ngunit isang mabilis na utility van ang sumulpot mula sa kabilang direksyon at nahagip siya.

Nakaladkad pa ng van ang biktima nang ilang metro bago tuluyang tumakas ang driver.

Ayon sa pulisya, may mga saksi na nagtangkang habulin ang van ngunit hindi nila ito naabutan.

Sinabi naman ng isang barangay official na madalas ang aksidente sa lugar dahil sa mga sasakyang mabilis magpatakbo.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang plaka ng sasakyan at maaresto ang driver. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here