Home NATIONWIDE Malinaw na patakaran sa suspensyon, pagbabalik ng klase, inilatag ni PBBM

Malinaw na patakaran sa suspensyon, pagbabalik ng klase, inilatag ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Naglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng Executive Order (EO) No.130 na naglalatag ng malinaw na patakaran kung kilan sususpendihin at kailan ibabalik ang klase.

Ito’y dahil batid ni Pangulong Marcos ang mga hamon sa kabataan dulot ng class suspension.

Ani Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, malaking kawalan ang bawat araw na pagliban sa eskuwela.

Layunin ng bagong EO na tiyaking ligtas ang mga estudyante at patuloy lang ang kanilang pag-aaral.

Ani Castro, binibigyan nito ng dagdag na kapasidad ang mga lokal na pamahalaan para magpasya kung saang mga lugar o mga paaralan lang ang magkakansela ng klase. depende sa aktuwal na kalagayan dito.

“Mas direkta ang aksyon, mas angkop ang tugon ng mga LGUs,” ayon kay Castro.

Magkakaroon din aniya ng kakayahan ang mga paaralan na magsuspinde ng klase kung talagang kinakailangan para sa mga estudyante dahil kaligtasan ng mga bata ang una.

Maliban dito, makatutulong din aniya ang EO para siguruhin na patuloy lang ang pagkatuto ng mga bata sa tulong ng alternative learning arrangment.

“Suspended man ang klase, tinitiyak ng EO na tuloy-tuloy pa rin ang pagkatuto,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Sa ilalim ng bagong Executive Order, inaatasan ng Pangulo ang Department of Education (DepEd) na gabayan ang mga paaralan sa pagsunod sa guideline upang maging maayos ang implementasyon nito sa buong bansa. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here