Home HOME BANNER STORY Pag-aresto kay Sen. Bato isang malaking hamon sa DILG, PNP – Malakanyang

Pag-aresto kay Sen. Bato isang malaking hamon sa DILG, PNP – Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Isang malaking hamon para sa liderato ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at sa buong kapulisan sa buong bansa ang pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na dating hepe ng PNP at isang alumnus ng PMA.

Si Sen. Bato ay nahaharap sa kasong Crimes Against Humanity sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi kasi ni DILG Sec. Jonvic Remulla na ang pagiging dating hepe ng PNP at alumnus ng PMA ni Senador Bato ang dahilan kung bakit β€œIt makes it more difficult” para arestuhin ito.

“Ang inyong mandato ay magpatupad ng batas, magpapatupad ng ibinibigay sa inyong order nang naaayon naman sa Konstitusyon. May valid warrant of arrest, so, hindi puwede na kayo ang magdesisyon kung huhulihin ninyo o hindi ninyo huhulihin si Senator Bato dela Rosa hindi dahil siya ay dati ninyong naging chief,” ang litaniya ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Bukod pa sa umaasa rin ang Malakanyang na hindi ito maging panawagan para hindi kumilos ang kapulisan gaya ng kanyang narinig sa ilang abogado mismo ni Senator Bato na ipinanawagan na si Senaor Bato ay dating hepe ng PNP.

Dahil dto, giit ni Castro na isa itong malaking hamon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr, ayon kay Castro.

“Kilala po natin mismo si General Nartatez Jr. at alam natin na ang nangunguna sa kaniya ay ang kaniyang obligasyon hindi ang kaniyang pakikipagkaibigan o pakikipag-alyado sa sinuman dapat na arestuhin,” ang diing pahayag ni Castro.

“So, again, naniniwala tayo sa kagalingan ng ating kapulisan at alam po natin na tutuparin nila kung ano ang mandato na inihahain sa kanila. At sa pamamagitan ni General Nartatez Jr. ganiyan po ang nagiging impresyon sa ngayon, so, huwag ninyong patunayan at huwag nating patunayan na tama sila,” ang winika ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here