Home HOME BANNER STORY Plunder, ‘gift receipt’ cases vs Marcoleta pinagsama ng Sandiganbayan

Plunder, ‘gift receipt’ cases vs Marcoleta pinagsama ng Sandiganbayan

3
0
Boluntaryong nagtungo upang sumuko ngayong Lunes ng umaga, Hulyo 6, 2026, si Senador Rodante Marcoleta sa hurisdiksyon ng Sandiganbayan matapos maglabas ang anti-graft court ng warrant of arrest laban sa kaniya kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Sandiganbayan Third Division nitong Biyernes, Hulyo 10, ang hiling ng Sixth Division ng korte na i-consolidate ang plunder case laban kay Senador Rodante Marcoleta na may kasong kabilang ang paglabag sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa mga public official sa pagtanggap ng regalo.

Si Marcoleta ay nahaharap sa plunder charges sa umano’y non-disclosure ng P75 million ng campaign donations mula sa kanyang co-accused na sina dating mambabatas Mike Defensor at negosyanteng sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu.

Nahaharap din si Marcoleta ng hiwalay na kasong may kaugnayan sa paglabag sa Presidential Decree No. 46.

Ang Presidential Decree No. 46 ay nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan at empleyado na tumanggap ng regalo, at pribadong indibidwal sa pagbibigay ng regalo sa anumang okasyon na may kaugnayan sa official functions.

Nauna nang nakitaan ng korte ng probable cause para sampahan si Marcoleta at Defensor sa paglabag sa batas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here