Home NATIONWIDE Online bullying sa impeachment prosecutors kinondena ni Garin

Online bullying sa impeachment prosecutors kinondena ni Garin

2
0

MANILA, Philippines – Kinondena ni House Deputy Speaker Janette Garin nitong Biyernes, Hulyo 10, ang mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte sa pambu-bully sa mga House prosecutor.

Ani Garin, dapat na tutukan ng publiko ang mga ebidensya sa halip na mga personal na pag-atake.

Kumalat kasi sa social media ang mga post at memes target si lead prosecutor Rep. Gerville Luistro at itinuturo ang pagtulo umano ng laway nito sa kanyang opening remarks, at prosecution counsel Amando Virgil Ligutan sa pagsinghot umano dahil sa sipon habang nagpipresenta ng ebidensya.

“Unang-una, ikinagugulat ko bakit ba tayo pumupunta sa ganung kababa ng discourse,” ani Garin.

Ani Garin, na dating kalihim ng Department of Health (DOH), ang laway at tuyong bibig ay normal na physiological conditions na dulot ng dehydration, mahabang pagsasalita, gamot o sipon dahil sa viral infections.

“Saliva is part of a normal person. At kapag medyo nade-dehydrate ka, o ikaw ay umiinom ng maintenance medications, kaakibat nito ay talagang medyo nagkakaroon ng dryness. Normal ba ito? Yes! So why focus on that?” sinabi pa niya.

Pinabulaanan din ni Garin ang sinasabi online na ang laway o sipon ay nagpapakita umano ng hindi pagsasabi ng totoo.

“Never in the history of the medical community has colds or sipon (mucus) been a cause of lying,” dagdag pa niya.

“Kailangan bang pagtawanan ‘yan? No! It’s actually bullying. The prosecutors are just doing their job.”

Hinimok niya ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng misinformation at dapat tumutok sa merito ng impeachment case.

Samantala, sinabi ni House prosecutor Manila Rep. Joel Chua na ang pagharap sa Senate impeachment court ay physically demanding.

“Nandoon din ‘yung stress, nandoon din po ‘yung tension.”

Inalala ni Chua na ang mga prosecutor ay unang pinagbawalan na uminom ng tubig sa session hall, at nagpasalamat naman kay Senador Pia Cayetano sa pagpanukala na payagan ang mga prosecutor na makainom ng tubig sa proceedings. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here