Home NATIONWIDE GINHAWA bill vs inflation, muling inihirit ni Gatchalian

GINHAWA bill vs inflation, muling inihirit ni Gatchalian

2
0

MANILA, Philippines – Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo na nakaaapekto sa mga pamilyang Pilipino at maliliit na negosyo, muling nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian para sa agarang pagsasabatas ng panukalang Granting Increase in Take-home Pay for All Working Filipinos (GINHAWA) Act.

Binigyang-paesnsin ni Gatchalian na bagama’t bumaba ang headline inflation sa 6.4% noong Hunyo, ang core inflation — o ibig sabihin ay hindi kasama ang pabaago-bagong presyo
ng pagkain at enerhiya — ay tumaas sa ikaanim na sunod na buwan sa 4.4%, ang
pinakamataas na antas nito mula noong Nobyembre 2023.

“Bagama’t bumaba ang headline inflation, ipinapakita ng tumaas na core inflation na
nananatili pa rin ang bigat ng presyo ng mga bilihin. Patuloy na tumataas ang presyo ng maraming pangunahing produkto at serbisyo.

“Dahil dito, mas kaunti ang naiuuwing halaga ng mga manggagawa para sa kanilang pamilya at mas mabigat ang pasanin sa mga maliliit na negosyo,” aniya.

Layon ng panukalang batas na GINHAWA na itaas ang take-home pay ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagpapalawak ng income tax exemption threshold sa P400,000 mula
P250,000 ng taunang kita, at pagpapataas sa limitasyon ng tax-free na bonus sa
P150,000 mula P90,000.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 56 na isinusulong ni Gatchalian, papayagan din ang mga micro
enterprise, kabilang na dito ang mga sari-sari store, laundry shop, home-based salon, food stall, at maliliit na online seller, na mag-claim ng karagdagang tax deduction na katumbas ng 50% ng kanilang mga gastusin sa pagpapasahod. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here