Home METRO 2 tulak arestado sa Rizal

2 tulak arestado sa Rizal

3
0

RIZAL, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng droga, kabilang ang isang menor de edad, sa buy-bust operation sa Binangonan, Rizal noong Biyernes.

Ayon sa Rizal Police Provincial Office (RPPO), nahuli ang 20-anyos na suspek na gumagamit ng alyas na “Kiel” at ang kanyang menor de edad na kasama matapos umanong magbenta ng ₱500 halaga ng hinihinalang shabu sa isang undercover na pulis sa Barangay Calumpang.

Nakumpiska sa operasyon ang walong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 97 gramo at may tinatayang halaga na ₱659,600. Narekober din ang dalawang cellphone na susuriin dahil pinaniniwalaang ginamit sa ilegal na bentahan ng droga.

Nasa kustodiya na ng pulisya si “Kiel” at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, ang menor de edad ay isinailalim sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) alinsunod sa umiiral na mga batas para sa proteksyon at rehabilitasyon ng mga bata.

Ayon kay Rizal Police Provincial Director Col. Eleazar Barber Jr., ipinapakita ng operasyon ang patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga, habang tiniyak na mabibigyan ng tamang interbensyon ang mga menor de edad na naliligaw ng landas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here