Home METRO Snatser tiklo sa baril, tobats sa Parañaque

Snatser tiklo sa baril, tobats sa Parañaque

5
0

MANILA, Philippines – Arestado sa ikinasang hot pursuit operation ng mga tauhan ng Parañaque City police Marcelo Green Sub-Station ang isang snatser na nakumpiskahan ng improvised na baril at shabu Biyernes ng hapon, Hulyo 10.

Kinilala ng Parañaque City police ang nadakip na suspek na si alyas Ricky, 26, walang trabaho, at residente ng Barangay Marcelo Green, Parañaque City.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang pag-aresto sa suspek bandang alas 2:45 ng hapon sa kahabaan ng Sampaguita Avenue, Barangay Marcelo Green, Parañaque City.

Nauna dito, nakatanggap ng tawag ang Marcelo Green Sub-Station na naisnats ang cellular phone ng 26-taong-gulang na biktima habang ito ay nagpapahinga sa nabanggit na lugar.

Sa ibinigay na diskripsyon ng biktima at sa tulong na rin ng mga tanod sa barangay na nakakasakop sa lugar ay agad na nadakip ang suspek kung narekober dito ang kanyang tinangay na cellular phone ng biktima, improvised nab aril na kargado ng dalawang bala at isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 0.4 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police ang suspek na nahaharap sa mga kasong theft, paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Parañaque City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here