Home ENTERTAINMENT Presyo ng sine sa MMFF, P299 na lang!

Presyo ng sine sa MMFF, P299 na lang!

2
0

Manila, Philippines – Isa sa mga inirereklamo ay ang mataas na presyo ng sine.

Kung isang buong pamilya nga naman ang manonood ng sine, mas mahal pa ang gagastusin nila doon kesa sa pagkain even at a fastfood.

Kaya ito ang tutugunan ng MMDA at MMFF this year.

This 2026, bababaan ang presyo ng ticket sa sinehan to as low as P299.

Puwede pa daw babaan ito, but it will depend on the participating producer.

Pero ang nakatakdang presyo–puwede pang babaan, pero hindi na puwedeng mas mataas pa sa P299.

Samantala, ang syudad ng Mandaluyong at San Juan ang host cities ng MMFF 2026 sa kauna-unahang pagkakataon.

Naiulat na namin dito na in-announce na ang first four MMFF official entries para sa taong ito.

Ang mga participating film companies ay ang Star Cinema, IdeaFirst Company, АРТ Entertainment at M-Zet Productions–producers ng The Greatest Showdown nina Vic Sotto at Vice Ganda.

Kasali rin ang Regal Films, producer ng Haunted Carnival starring Maricel Soriano, etc.

Gayundin ang GMA Pictures, producer ng Amir tampok si Dennis Trillo.

At ang Viva Films na nasa likod ng 2nd Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here