Manila, Philippines – Winarla-warla ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Jasmine Curtis-Smith.
May kaugnayan ito sa naging komento ng aktres patungkol sa recent INC rally.
Ang post lang naman ni Jasmine ay: “Tow them, bakit may mga negotiations?”
Ang tinukoy ni Jasmine ay ang mga nakahambalang na bus, that time, sa Edsa.
It was followed by: “Hmmm” bilang reaksyon sa pahayag ng MMDA tungkol sa attempts nito to tow illegally parked vehicles at the rally.
Hindi nga lang kasama ang mga bus dahil pumalag ang mga rallyista.
Sinamahan pa ng mga emojis ang imbyerna ng publiko.
Sinundan pa ‘yon ng another emote ni Jasmine.
Ini-repost ng aktres ang pagpabor ng mga netizens na isama ang mga bus na tila binigyan ng special treatment ng kapulisan.
Napansin din ang kawalan ng mga ito ng body armor at body shield.
Jasmine couldn’t help but react tungkol sa na-call off na INC rally sa ikatlong araw.
In short, bitter lang daw si Jasmine.
Sey ng mga anti-Jasmine: “Ipokrita ka, period! Selective justice. You don’t know what you’re talking about. Go back to Australia!”
“Ngayon ka lang ba nakakita ng rally na walang celebrities?!”
“Manahimik kang laos!”
“Sumawsaw na naman ang mga feeling privileged na artista! Pag na-bash, pa-victim naman. Mag-pictorial na lang kayo ng ate mo na naka-bikini at ilabas n’yo ulit ang mga kaluluwa. Doon naman kayo kumikita!”
“Wala kang respect, Jasmine…hahaha!”
In fairness, marami naman ang nagtanggol kay Jasmine who believed na malaking abala ang INC rally.