Home TOP STORIES Pinuno ng Iran nanumpang maghihiganti sa pagkamatay ng kanyang ama

Pinuno ng Iran nanumpang maghihiganti sa pagkamatay ng kanyang ama

3
0
A person holds an image of Iran's Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei as Iranian demonstrators protest against the U.S.-Israeli strikes, in Tehran, Iran, February 28, 2026. Majid Asgaripour/WANA (West Asia News Agency) via REUTERS ATTENTION EDITORS - THIS PICTURE WAS PROVIDED BY A THIRD PARTY

TEHRAN, Iran – Naglabas ng nakasulat na pahayag ang Supreme Leader ng Iran na si Ayatollah Mojtaba Khamenei, kung saan nangako siyang paghihigantihan ang pagkamatay ng kanyang ama at dating pinuno ng bansa na si Ayatollah Ali Khamenei.

Ayon sa kanya, ang paghihiganti ay kahilingan ng mamamayan at tiyak na maisasakatuparan, hindi lamang sa tulong ng Iran kundi pati ng mga tinawag niyang “malalayang mamamayan sa buong mundo.”

Napatay si Ali Khamenei sa isang airstrike ng Estados Unidos at Israel noong Pebrero 28, sa pagsisimula ng digmaan.

Patuloy na hindi nagpapakita sa publiko si Mojtaba Khamenei mula nang italagang Supreme Leader noong Marso 8, na nagdulot ng pangamba at mga tanong sa ilang mamamayan ng Iran.

Samantala, bagama’t nagkaroon ng panibagong palitan ng pag-atake sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, sinabi ni US President Donald Trump na magpapatuloy pa rin ang pag-uusap ng dalawang bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here