RIZAL, Philippines – Apat katao na hinihinalang mga holdaper na sumasalakay sa mga convenience store at E- Tap machine sa CALABARZON, naaresto samantalang nakatakas ang isang kasamahan na nagsisilbing look out matapos na pagnakawan ang isang convenience store kahapon sa Cainta Rizal.
Ang apat na naarestong suspek na nakilalang sina alyas Wilson, 30, residente ng Valenzuela City, alyas Juvel, 45, alyas Arvin, 38, kapwa nakatira sa Binangonan Rizal, at alyas Jeffrey, 31, naninirahan sa Quezon City, samantalang patuloy na tinutugis ang nakatakas na suspek na nagsilbing look out na si alyas Jonathan 33, ng Caloocan City.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Cainta Municipal Police Station dakong alas- 2:03 ng madaling – araw kahapon ng pasukin ng mga suspek ang isang convenience store sa pamamagitan ng pagsira sa roll up door kung saan sinira din ang concrete frame ng vault para makuha ang laman nito.
Napag-alaman sa pamamagitan hg CCTV sa nasabing tindahan na humantong sa pagkaaresto sa mga suspek matapos na makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa area manager ng convenience store kung saan nakita ang mga suspek .
Nabatid sa ulat sa isinagawang imbestigasyon ng Cainta PNP kung saan ang mga suspek ay hinihinalang responsable sa mga serye ng pagsalakay sa mga Convenience Store at E- Tap machine sa lalawigan ng CALABARZON at Region 3 kung saan ang mga suspek ay dati na umanong may kinakaharap na kasong robbery at illegal possession of firearms and explosives.
Ayon kay PCol Eleazar R. Barbers Jr. Provincial Director ng Cainta Rizal ang matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek ay ng kahandaan at mabilis na pagresponde ng mga kapulisan.
“Ang pagkakaaresto sa apat na notoryus na holdaper ay malinaw na patunay ng pagiging maagap, alerto, at handa ng ating mga pulis sa pagtugon sa bawat tawag ng ating mga mamamayan. Sa pamamagitan ng mabilis na police response, napigilan natin ang krimen habang ito ay isinasagawa at naalis sa lansangan ang mga pinaghihinalaang sangkot sa serye ng pagnanakaw sa mga convenience store at E-Tap machines. Patuloy nating paiigtingin ang ating operasyon upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat Rizaleño.” Ani PCol Eleazar
Kaugnay nito ang Rizal Police Provincial Office ay nanatiling nakatuon sa pagbibigay ng Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman ng bawat mamamayan. /Ellen Apostol