Home NATIONWIDE Tulay sa QC na nasira ng sunog agad ipinaaayos ni PBBM

Tulay sa QC na nasira ng sunog agad ipinaaayos ni PBBM

4
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng agarang technical assessment ng mga repair na kinakailangan sa Culiat Bridge sa Quezon City upang mapadaanan sa mga motorista, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon.

Ayon kay Dizon, ininspeksyon na ng technical team mula sa DPWH ang naturang tulay at nagsagawa rin ng clearing operations kasama ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte.

Matapos ang clearing operations ay magsasagawa na ang DPWH ng temporary repair sa uplifted section ng asphalt surface ng tulay habang patuloy na susuriin ng technical team ang mga iba pang kailangang rehabilitation works upang masiguro na ligtas sa mga motorista ang tulay.

Nananatiling sarado ang Culiat Bridge matapos mapinsala ng malaking sunog noong Sabado. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here