Home NATIONWIDE 6 patay sa pag-atake ng Israel sa Gaza

6 patay sa pag-atake ng Israel sa Gaza

3
0

GAZA – Anim ang nasawi sa pag-atake ng Israel sa Gaza Strip nitong Linggo, Hulyo 12.

Kabilang dito ang isang 9-anyos na batang babae, ayon sa Palestinian health officials.

Sinabi ng mga medic na tinarget ng gunfire ng Israel ang tent encampment sa silangang bahagi ng Al-Bureij refugee camp sa central Gaza.

Itinanggi naman ng Israeli military ang insidente at sinabing hindi nila alam ito.

Samantala, mayroon namang apat na nasawi sa airstrike sa metal foundry sa Sabra, Gaza City.

Ayon sa mga saksi ay tinamaan ang naturang site ng tatlong missile ng Israel.

Sinabi naman ng Israeli military dito na inatake nila ang mga Hamas militant na nag-ooperate sa loob ng weapons production facility.

Sa kapareho ring araw, naglunsad ng strike ang Israel sa tent encampment sa Mawasi area ng Khan Younis, na kumitil sa buhay ng isang indibidwal at marami ang sugatan kabilang ang mga bata.

Walang komento ang Israel military kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here