Home NATIONWIDE 27 patay sa Bangkok pub fire

27 patay sa Bangkok pub fire

3
0

THAILAND – Aabot sa 27 katao ang nasawi sa sunog sa isang pub sa Bangkok, Thailand.

“There are more than 27 dead,” ayon kay Anwut Pho-ampai ng Ruamkatanyu Foundation, na nag-ooperate ng isang voluntary emergency rescue service.

Binisita ni Prime Minister Anutin Charnvirakul ang site madaling araw ng Lunes, Hulyo 13 kung saan mabilis umanong kumalat ang sunog dahilan para magtakbuhan patungo sa likod ng venue ang mga tao ngunit wala palang labasan doon.

“We have recovered 27 bodies; others are being sent to hospital,” sinabi ni Anutin.

Ayon naman sa Bangkok metropolitan administration official ay mayroong 63 indibidwal ang sugatan sa sunog.

Hindi pa malinaw ang mga detalye sa sunog ngunit pinaniniwalaang nagsimula ang apoy sa Rong Beer Na Lat Phrao pub sa Chatuchak district ng Bangkok. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here