Home HOME BANNER STORY QC Jail handa na para kay Marcoleta – BJMP

QC Jail handa na para kay Marcoleta – BJMP

1
0

MANILA, Philippines – Nakahanda na at medically equipped ang New Quezon City Jail sa Payatas upang tanggapin si Senador Rodante Marcoleta, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

“Una ho, basta ho may court order na iyan at dadalhin ho talaga sa amin, tatanggapin ho namin yan,” sinabi ni BJMP Spokesperson J/Supt. Jayrex Joseph Bustinera sa panayam ng DZBB nitong Linggo, Hulyo 12.

“Pangalawa po, ang BJMP po talaga, ‘yan naman ho ang trabaho namin at napaghandaan ho namin ‘yang mga ganyang bagay—hindi lang po sa Payatas, pati sa ibang piitan po namin ay may mga ganyang demographics at kakayahan ang BJMP,” dagdag ni Bustinera.

Ani Bustinera, tampok sa Quezon City Jail ang fully staffed infirmary na may in-house doctors at nurses, at diagnostic laboratories para pangasiwaan ang mga sakit.

Si Marcoleta ay inaresto sa P75 milyong plunder case dahil sa hindi idineklarang campaign donations. Siya ay inaresto noong Hulyo 6.

Dalawang araw matapos maaresto ay na-diagnose ng PNPGH si Marcoleta na may mild pneumonia at degenerative disc disease.

Ang New Quezon City Jail ay may ideal capacity na 4,000 at kasalukuyang mayroong nasa 3,300 Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ang mga high-profile PDLs ay isasama din sa general population.

“Nakahiwalay po, halimbawa, ‘yung mga hindi nakapag-aral para sa kanilang ALS (Alternative Learning System) program, may iisa lang din ang mga wing nila o floor nila,” sinabi ni Bustinera.

“For example ho, nakahiwalay ho ‘yung sa flood control natin na mga personalities, at ito ay located sa isang wing… Ngayon po ito pong mga former senators at senators natin dito naman ho sila sa isang wing din ho, kasama rin ho ang ibang general population,” dagdag pa niya.

Ang mga piitan na para sa kasalukuyan at dating senador na naka-detain ay malapit sa infirmary at lawyers’ lounge.

“Unang-una po, hindi lang ho polisiya kundi ipinag-utos ho ng aming secretary, Secretary Jonvic Remulla, ang pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng PDLs, walang VIP treatment,” sinabi pa ni Bustinera.

“Pangalawa ho, makikita naman ho natin ang disenyo ho talaga ng BJMP rin, hindi ho ‘yan VIP treatment kundi para sa makataong pamamahala ng piitan talaga ‘yan.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here