Home NATIONWIDE PBBM, biyaheng Singapore bukas para sa 3-day working visit – Malakanyang 

PBBM, biyaheng Singapore bukas para sa 3-day working visit – Malakanyang 

3
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Malakanyang na biyaheng Singapore bukas, Hulyo 14 si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa 3 -day working visit kasama si First Lady Liza Marcos.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang iskedyul ng Pangulo sa byahe niyang ito ay mual Hulyo 14 hanggang 16.

Magiging bahagi ng biyahe ng Pangulo ang pagsusulong ng mas matatag na bilateral relations ng Pilipinas at ng Singapore na susunod na ASEAN Chair.

Sa kabilangd ako, kasama sa itinerary ng Chief Executive ang courtesy call kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong na dito ay mapag uusapan ang kooperasyon sa larangan ng trade and investment, environment and health at regional and global development.

May partisipasyon din ang Pangulo sa round table discussion kasama ang mga business leaders.

Samantala, ang meeting ng Pangulo sa lider ng mga negosyante sa Singapore ay magaganap kasunod ng pagkilala sa Pilipinas bilang Upper Middle income country. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here