Home NATIONWIDE Petitioner sa NCAP may kondisyon sa muling pagpapatupad ng patakaran

Petitioner sa NCAP may kondisyon sa muling pagpapatupad ng patakaran

3
0

MANILA, Philippines – Iginagalang ng petitioner sa kaso laban sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) ang desisyon ng Korte Suprema na tanggalin ang temporary restraining order nito.

Pero panawagan ng petitioner na si Atty. Juan B. Paa sa mga LGU ‘s  na ipagpaliban muna ang muling pagpapatupad hangga’t wala pang sapat na proteksyon laban sa posibleng pang-aabuso.

Mungkahi ni Atty. Falcis para sa NCAP, magkaroon ng iisang NCAP system sa ilalim ng Land Transportation Office o Department of Transportation, limited ongoing access sa personal na impormasyon ng mga motorista at magkakaparehong traffic violation at multa.

Panawagan din ni Atty. Paa ang mas maayos na kalsada, malinaw na road markings traffic signs at stoplight na may timer upang maprotektahan ang mga motorista.

Noong nakaraang linggo ibinasura ng Korte Suprema ang apela ni Paa.

Ayon sa desisyon ni Associate Justice Rodil Zalameda naging moot o wala nang saysay ang mga petisyon dahil may Metro Manila Traffic Code of 2023, na nag-utos ng orange guidelines para sa NCAP sa buong NCR.

Kasabay nito binawi na rin ng Korte Suprema ang TRO na inilabas noong August 2022 laban sa NCAP sa Maynila Quezon City Valenzuela, Parañaque, Muntinlupa at sa LTO. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here