Home NATIONWIDE Lalaki tigok matapos tangkaing sagipin 2 batang nalulunod sa Iligan City

Lalaki tigok matapos tangkaing sagipin 2 batang nalulunod sa Iligan City

3
0

ILIGAN CITY — Nasawi ang isang 29-anyos na lalaki matapos niyang tangkaing iligtas ang dalawang batang pinaniniwalaang nalulunod sa isang beach resort sa Barangay Sta. Filomena noong Biyernes ng hapon.

Agad na rumesponde ang mga rescuer mula sa Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office at mga pulis upang hanapin ang biktima.

Batay sa imbestigasyon, sinubukan ng lalaki na sagipin ang dalawang batang lalaki, edad walo at pito, matapos umano silang tangayin ng malalakas na alon.

Sinabi ni Iligan City Police Office spokesperson Major Zandrex Panolong na suspendido ang klase noong araw na iyon kaya nagtungo sa beach ang mga bata kasama ang kanilang mga kaanak.

Posibleng napunta ang mga bata sa malalim na bahagi ng dagat, ngunit nasagip sila ng kanilang mga kamag-anak at iba pang naliligo sa lugar.

Narekober ang katawan ng 29-anyos na biktima makalipas ang halos tatlong oras.

Ayon kay Panolong, may mga naitatala nang insidente ng pagkalunod sa lugar dahil hindi umano nababantayan nang maayos ng ilang magulang ang kanilang mga anak. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here