Home NATIONWIDE Kapwa-akusado ni Zaldy Co, kusang sumuko

Kapwa-akusado ni Zaldy Co, kusang sumuko

3
0

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang depensa at prosekusyon na kusang sumuko si dating public works engineer Juliet Calvo sa CIDG bago inilabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ayon sa abogado ni Calvo, nagtungo siya sa CIDG Metro Manila noong Nobyembre 5, 2025 upang ipasakamay ang sarili sa mga awtoridad.

Kinilala rin ng prosekusyon ang sertipikasyon ng CIDG na nagsasabing boluntaryo ang kanyang pagsuko at wala siyang kasamang police escort.

Dahil dito, hindi na kailangan pang tumestigo ang opisyal ng CIDG na magpapatunay sa kanyang pagsuko.

Si Calvo ay nahaharap sa non-bailable na kasong malversation of public funds through falsification of public documents kaugnay ng umano’y maanomalyang ₱289.4 milyong proyekto sa Oriental Mindoro.

Samantala, hindi nakadalo sa pagdinig ang dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co dahil idineklara na siyang fugitive from justice ng Sandiganbayan. Ayon sa korte, hindi maaaring lumahok sa paglilitis ang isang pugante hangga’t hindi ito kusang sumusuko. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here