Home NATIONWIDE Dizon, gustong kunin si Gabriel Go para sa DOTr

Dizon, gustong kunin si Gabriel Go para sa DOTr

3
0

MANILA, Philippines – Plano ni Transportation Secretary Vince Dizon na kunin si Gabriel Go ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maging katuwang sa Department of Transportation (DOTr).

Inanunsyo ito ni Dizon mahigit isang linggo matapos bumalik bilang kalihim ng DOTr. Si Go ang pinuno ng MMDA Special Operations Group-Task Force for Road Clearing na nasa ilalim ng Office of the President.

“I am recruiting him into the DOTr. I hope he can join us,” ani Dizon sa panayam habang iniinspeksyon ang LRT-2 Antipolo station.

Hindi naman binanggit ni Dizon kung pumayag si Go sa kanyang hirit.

Ayon kay Dizon, makakatulong si Go sa road sector, lalo na sa busways at mass transport system sa kalsada, dahil ito aniya ang expertise nito.

Bilang pinuno ng clearing operations, nangangasiwa si Go sa pag-aalis ng mga ilegal na sagabal sa bangketa at pagpapatupad ng parusa sa mga lumalabag sa sidewalk rules sa Metro Manila.

Kadalasang ibinabahagi ni Go ang kanilang operasyon sa kanyang Facebook account.

Noong Hulyo, sinuspinde si Go sa clearing operations matapos mag-viral ang video niya na hinuli ang isang guro na nagmomotorsiklo nang walang helmet, na ipinost niya sa kanyang Facebook page. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here