Home ENTERTAINMENT Robb Guinto, aminadong nahirapan sa split up nila nv ex!

Robb Guinto, aminadong nahirapan sa split up nila nv ex!

2
0
Screenshot

Manila, Philippines – About one month na raw single si Robb Guinto, after ng split-up nila ng bf niyang si Yasser Marta.

Aminado si Robb na noong simula ay nahirapan siyang mag-adjust sa pagiging single.

Tugon niya nang tanungin namin, “Mga isang buwan na rin po akong single. Siyempre sa umpisa mahirap, hindi naman ganoon kadaling mag-adjust lalo na kapag nasanay kang may kasama.

“Pero okay naman ako ngayon. Mas nagfo-focus na lang ako sa sarili ko, sa work, at sa mga bagay na nagpapasaya sa akin.”

Aniya pa, “Oo naman po, nakakapanibago, lalo na noong umpisa. Pero ngayon mas okay na ako. Natututo na rin akong mag-enjoy sa sarili kong company. Mas marami rin akong time ngayon para sa sarili ko.”

Ipinahayag din ng magandang sexy actress na walang third party sa panig niya.

“Sa side ko, wala talagang third party. Alam ko naman sa sarili ko kung ano yung totoo, at wala akong kailangang patunayan sa ibang tao para lang paniwalaan nila ako.

“Kung ano man yung gusto nilang isipin o sabihin tungkol sa akin, hindi ko na kontrolado iyon. May mga naging problema lang talaga kami na hindi namin naayos.

“Pero ayaw ko na rin sanang balikan lahat kasi gusto ko na ring mag-move forward. At the end of the day, nirerespeto ko pa rin yung pinagsamahan namin,” pakli pa ni Robb.

Nabanggit din niyang super-happy siya sa pelikulanilang “Desperada: sa pagkakasali sa NETPAC Section ng Asian Film Festival Barcelona.

“Iyong Desperada po, na-screen na last October 29 sa Asian Film Festival Barcelona under the NETPAC Section. Wala pa po akong ibang updates sa ngayon, pero super-happy and grateful ako na nakarating yung film namin sa international film festival,” masayang sambit niya.

Ano’ng pinagkakaabalahan niya ngayon na project o business?

“Busy pa rin naman po ako sa mga endorsements, appearances, content creation, at iba pang projects.

“Tapos mayroon din akong business ngayon na currently under construction. Pero ayaw ko munang i-disclose kung ano ‘yun, kasi gusto ko surprise muna! Hahaha!” Pakli pa ni Robb. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here