Home METRO Top 1 Most Wanted rapist nalambat ng mga parak sa Norzagaray

Top 1 Most Wanted rapist nalambat ng mga parak sa Norzagaray

3
0

BULACAN, Philippines – Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) sa Municipal Level sa manhunt operation ng pulisya sa bayan ng Norzagaray nitong Hulyo 13.

Sa ulat ni PLTCOL Ismael Gauna, hepe ng Norzagaray police station, kinilala ang akusado na si alyas “ Noel”, 42, residente ng Sitio Suha, Brgy. San Mateo.

Ayon sa ulat, isinilbi ang WOA ng tracker team ng istasyon bandang 10:00 ng umaga sa nasabing lugar.

Nabatid na ang WOA sa kasong Qualified Rape ay inilabas noong Hulyo 7, 2026 ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 16, Malolos City na walang inirekomendang piyansa.

Ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang naaayon sa batas at isinagawa rin ang kaukulang dokumentasyon habang siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here