Home NATIONWIDE P1.249-M jackpot sa 6D Lotto, nasolo

P1.249-M jackpot sa 6D Lotto, nasolo

4
0

MANILA, Philippines – Isang solong mananaya ang nagwagi ng P1,249,271 jackpot sa 6D Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Martes, Hulyo 14, 2026.

Eksaktong nahulaan ng masuwerteng mananaya ang kombinasyong 9-9-3-2-5-4 sa tamang pagkakasunod-sunod.

Naitala ang panibagong panalo limang araw matapos maiuwi ng isa pang 6D Lotto bettor ang P8.7 milyong jackpot noong Hulyo 9.

Ayon sa PCSO, isa sa bawat 1,000,000 ang tsansang manalo sa 6D Lotto jackpot. Kailangang mahulaan ng mananaya ang lahat ng anim na numero sa eksaktong pagkakasunod-sunod.

Samantala, walang nanalo ng jackpot sa mga major lotto draw ng PCSO nitong Martes ng gabi.

Umakyat sa P132,124,267.28 ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang makahula sa kombinasyong 01-23-17-48-58-34.

Hindi rin napanalunan ang P70,248,761.21 jackpot ng Super Lotto 6/49 matapos walang tumama sa mga numerong 18-11-37-22-36-17.

Wala ring nakakuha sa P13,973,560.81 jackpot ng Lotto 6/42, na may winning combination na 21-27-38-06-18-35. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here