MANILA, Philippines – Isang magnitude 6.3 na lindol ang tumama sa timog-kanluran ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental dakong alas-11:49 ng gabi nitong Martes, Hulyo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Una itong iniulat ng PHIVOLCS bilang magnitude 6.5 na may lalim na 10 kilometro, ngunit kalaunan ay ibinaba sa magnitude 6.3 at itinakda ang lalim sa 33 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol at kinilalang aftershock ng magnitude 7.8 Offshore Sarangani at magnitude 6.5 Offshore Davao Occidental earthquakes na naitala noong Hunyo 2026.
Naramdaman ang Intensity V sa Kiamba, Sarangani, habang Intensity IV naman sa Palimbang, Sultan Kudarat.
Naitala ang Intensity III sa Bagumbayan, Kalamansig, Lebak, President Quirino, at Tacurong City sa Sultan Kudarat, gayundin sa Maluso, Basilan.
Naramdaman naman ang Intensity II sa Kiblawan, Davao del Sur; Davao City; Kidapawan City at M’lang, Cotabato; Columbio, Sultan Kudarat; at Isabela City, Basilan.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala o kasunod pang aftershock. Santi Celario