Home OPINION OWFs SA MIDDLE EAST KALINGAIN SA GIYERA

OWFs SA MIDDLE EAST KALINGAIN SA GIYERA

2
0

HINDI biro-biro ang muling pagsiklab ng mabangis na digmaan sa Middle East o Gitnang Silangan.

Pinakamahalagang usapin dito ang kalagayan ng nasa 2.4 milyong overseas Filipino worker na naiipit sa mabangis na digmaan.

Sa Saudi Arabia, may 386,000 – 725,000+; Kuwait, 106,000 – 276,000; Qatar, 160,000 – 260,000; Israel, 30,000 to 31,000; Bahrain, 21,000 – 40,000; Oman: 10,000 – 20,000; Jordan, 10,000 – 15,000; Lebanon, 10,000 – 15,000; at Iran, 800 to 1,180.

Meron pang mga iligal, turista, mestisong anak ng mga Arabo at Pinoy at mga Pinoy nagtatrabaho para sa pamahalaan, mga nagseserbisyo sa mga military ng iba’t ibang pamahalaan diyan.

GRABENG LABANAN

Depende sa ulat ng bawat ng mga naglalabanang panig kung saan magkakampi ang Israel at United States at kumakampi rin sa kanila ang ilan sa mga bansang nabanggit, grabe ang mga bombahan, misilan, dronan, barilan at iba pa.

Apat na araw nang nagpapakawala ng mga bomba at missile ang US at Israel sa iba’t ibang bahagi ng Iran.

Gumaganti naman ang Iran at minimisil at dinodrone nito ang mga base militar ng US sa nasabing mga Arabong bansa, kasama ang Israel.

Bukod sa pagbomba ng US at Israel, inarmasan din ng mga ito ang mga Kurd para maglunsad ng giyera laban sa pamahalaang Iran at kasama ng mga ito ang mga kakampi ng US na lahi ng Shah of Iran na may mga tagasunod din.

Sumali na rin ang Yemen na gumanti sa Saudi Arabia na bumomba sa Sanaa na kapital ng Yemen.

Pareho nang nasa panganib ang Strait of Hormuz at Red Sea na daluyan ng mahigit 32 prosyento ng langis patungo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kaya bukod sa nasa 2.4 milyong land based na mga OFW, may libo-libo ring Pinoy na seaman na sakay ng iba’t ibang barko na bumibiyahe sa dalawang karagatang nabanggit.

Pare-pareho ang mga ito na nanganganib sa buhay, ari-arian, pamilya, trabaho at iba pa.

NATATALI SA IMPEACHMENT

Sinusubaybayan natin, mga Bro, ang mga anunsyo ng Palasyo at lumilitaw na marami ang oras na inilaan nito para sa nagaganap na impeachment trial at iba pang ginagawa ng Pangulo at pamahalaan.

Lalo ang mga isyu na isinasangkot ang Palasyo at pinabubulaanan ng mga taong-Palasyo.

Magkagayunman, bibihira ang mga anunsyo kung ano-ano ang ginagawa nito para iligtas sa kapahamakan.

Ngunit binibigyan naman natin ng kredito, mga Bro, ang ginagawa ng gobyerno gaya ng pagpapauwi na ng nasa 10,000 nang galing sa Middle East naapektuhan ng giyera.

NGAYON GRABE GIYERA, PAANO?

Sinasabing mas mabangis ngayon ang giyera kumpara sa nakaraang mga pangyayari.

Kaya naman, naghahanap tayo ng mga kaukulang pagkilos ng pamahalaan para iligtas sa kapahamakan ang mga OFW.

Ang mga nasa Middle East na opisyal at tauhan ng pamahalaan, ano-ano ang mga tulong na ibinibigay sa kanilang mga biktima ng giyera.

At ang pamahalaan dito, ano-ano ang mga ginagawa at inihahanda para sa maramihang pagbabakwit, halimbawa, kung kinakailangan na?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here