Home METRO 3 miyembro ng pamilya, tigok sa kuryente sa N. Vizcaya

3 miyembro ng pamilya, tigok sa kuryente sa N. Vizcaya

3
0

NUEVA VIZCAYA – Nasawi ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos makuryente sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Luis, Solano, Nueva Vizcaya, nitong Linggo, Hulyo 12.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima bilang isang 36-anyos na barangay tanod, kanyang asawa, at kanilang anak.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagsasampay ng mga damit ang ama nang dumikit ang sampayan sa yero ng bahay, kung saan nakalaylay ang isang live electrical wire.

Nakuryente ang lalaki, habang nakuryente rin ang kanyang asawa at anak nang tangkain siyang tulungan.

Natagpuan ang mga biktima ng ama ng barangay tanod at isinugod sa ospital, ngunit idineklarang patay.

Nakaligtas naman ang kanilang tatlong taong gulang na anak na nasa loob ng bahay nang mangyari ang insidente.

Nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang pulisya, habang nangako ang barangay ng tulong pinansyal para sa naulilang pamilya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here