Home NATIONWIDE DOJ bumuo ng maritime law unit para sa South China Sea ruling

DOJ bumuo ng maritime law unit para sa South China Sea ruling

3
0

MANILA, Philippines – Bumuo ang Department of Justice ng maritime law unit na magsisilbing “single repository” ng legal expertise kaugnay ng 2016 South China Sea arbitral ruling at mga batas pandagat.

“Actually, to maintain and sustain the gains from the arbitral award, the DOJ now has a dedicated unit for legal services natin to be a source of expertise on this matter,” pahayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano Vida sa isang panayam sa media.

“Parang maritime law center na tayong binuo dito sa Department of Justice para meron na tayong single repository ng expertise on this matter,” dagdag niya.

Ang Office of the Chief State Counsel ng DOJ, sa pangunguna ni Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, ang nangangasiwa sa mga international agreement, treaty at usaping may kaugnayan sa pagpapatupad ng 2016 Arbitral Award. Si Senior State Counsel Atty. Fretti Ganchoon naman ang nagsisilbing lead maritime expert.

Layunin ng bagong unit na mapanatili at mapalawak ang mga tagumpay mula sa arbitral ruling at magkaroon ang pamahalaan ng iisang sentro ng maritime legal expertise.

Binigyang-diin ni Vida na mahalagang makatanggap ng tamang impormasyon ang mga Pilipino, lalo na sa ika-10 anibersaryo ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration na nagpawalang-bisa sa “nine-dash line” claim ng China.

Aniya, hindi awtomatikong naipatutupad ang ruling at kailangan itong patuloy na ipaglaban para sa kasalukuyan at susunod na mga henerasyon.

Iginiit din ni Solicitor General Darlene Berberabe na hindi lamang isang ahensiya ng pamahalaan ang may responsibilidad sa pagprotekta sa West Philippine Sea.

Pinagtibay ng arbitral ruling ang sovereign rights ng Pilipinas sa loob ng exclusive economic zone nito at ang traditional fishing rights ng mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc. Nagbigay rin ito ng legal certainty na ang yamang-dagat sa nasabing mga lugar ay para sa mga Pilipino.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here