Home NATIONWIDE Imbakan ng mga armas ng rebelde, nadiskubre sa Isabela

Imbakan ng mga armas ng rebelde, nadiskubre sa Isabela

2
0

CAUAYAN CITY, Isabela – Nadiskubre ng kapulisan ang pinaniwalaan imbakan ng mga armas at kagamitan pandigma ng mga Cummunist Terrorist Group (CTG’s) o rebelde sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Villaflor, Cauayan City, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan na ipinarating na ulat kay PBGen. Mariano Rodriguez, Regional Director ng Police Regional Office 02 o PR02, ang operasyon pinangunahan ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PMaj. George Marribay, Acting, Force Commander, katuwang ang PIU-IPPO, 95th IB, PA, 205th Coy, RMFB2, PIU, CECU Cauayan, San Guillermo MPS at Cauayan City CPS.

Narekober sa isinagawang Minor Combat Operation ang iba’t ibang kagamitang pandigma kabilang ang dalawang hindi na magamit na caliber .50 machine gun, dalawang M16 steel magazine, combat shoes, mga bala, dalawang MK2 fragmentation grenade, dalawang 40mm high explosive ammunition, detonating cord, time fuze, mga baterya, at iba’t ibang electrical wires na maaaring gamitin sa paggawa ng improvised explosive device (IED).

Nadiskubre ang naturang arms cache matapos ang impormasyon na ibinigay ng isang sumukong dating rebelde na kilala sa alyas na “Andong.”

Ang mga narekober na non-explosive items ay dinala sa 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company para sa dokumentasyon at safekeeping, habang ang mga explosive items ay agad na isinuko sa City Explosive and Canine Unit (CECU) para sa tamang paghawak at disposal ng mga nasabing armas na pandigma. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here