Home NATIONWIDE 8 tulak ng droga laglag sa operasyon sa Cavite

8 tulak ng droga laglag sa operasyon sa Cavite

2
0

MANILA, Philippines – Walong hinihinalang tulak ng droga nadakip ng pulisya makaraang makuhanan ng humigit kumulang P200,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy bust operation sa lalawigan ng Cavite.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Jay, alyas Marcelino at alyas Leonard, alyas Kevin, alyas Nino, alays Dennis, alyas Mary na pawang mga taga-Dasmarinas City, Cavite, at alyas JP ng Noveleta na pawang nahaharap sa paglabag sa RA 9165.

Sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi nang nagasagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Dasmarinas City Police Station at Provincial Druig Enforcement Agency sa Barangay Victoria Reyes Dasmarinas City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto nina alyas Jay, Marcelino at Leonardo at nasamsam sa kanila ang 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P17,000.00 at buy bust money.

Ilang oras lang ang pagitan, muling nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Dasmarinas City Police Station bandang ala-1:05 ng madaling araw sa Barangay Sabang, Dasmarinas City, na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Kevin, alyas Nino, alyas Dennis at alyas Mary at narekober sa kanila ang humigit kumulang sa 20 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P136,000.00 at buy bust money.

Sa Noveleta, nagsagawa rin ng buy bust operation ang Noveleta Municpal Police Station bandang ala-1:30 ng madaling araw sa Brgy San Juan 2, Noveleta, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas JP at nakumpiska mula sa mga ito ang humigit kumulang 5.45 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P37,060.00, isang kalibre 38 na baril, tatlong bala at isang holster.

Sa kabuuan, tinatayang P190,060.00 halaga ng shabu ang nakuha sa mga ito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here