Home NATIONWIDE South Korean envoy to the Philippines, nakatanggap ng top diplomatic honor

South Korean envoy to the Philippines, nakatanggap ng top diplomatic honor

2
0

MANILA, Philippines – NAKATANGGAP si South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-hwa ng isa sa pinakamataas na diplomatic decorations na ipinagkakaloob para sa foreign nationals.

Nakatakda na kasing lisanin ni Lee ang Pilipinas matapos na makompleto nito ang kanyang three-year term.

Ayon sa Korean community, kabilang na ang United Korean Community Association in the Philippines sa pamumuno ni Yoon Man-young, sa farewell call ni Lee kay Pangulong Marcos noong Hulyo 9, pinagkalooban ng Pangulo si Lee ng Order of Sikatuna, ang national order of diplomatic merit ng Pilipinas na may rank na Datu (Grand Cross, Gold Distinction).

Pinagkalooban din ng Korean community organizations si Lee ng plaques of appreciation bilang pagkilala sa kanyang naging kontribusyon.

Nagbigay din ang UKCA ng farewell dinner para kay Lee noong Hulyo 6.

Isang miyembro naman ng Korean community ang nagsabi na si Lee ay kinilala para sa kanyang mahalagang kontribusyon para palakasin ang diplomatic cooperation at pagkakaibigan sa pagitan ng South Korea at Pilipinas, partikular na sa proseso na itaas ang bilateral ties sa isang strategic partnership sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Samantala, sinabi ni Yoon Man-young, pangulo ng UKCA, na si Lee ay isang matapat na tagasuporta hindi lamang para i-promote ang pagkakaibigan at pagtutulungan sa pagitan ng South Korea at Pilipinas kundi maging sa pagprotekta sa karapatan at kaligtasan ng Korean community. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here