Home NATIONWIDE Pagkuha ng bank records sa Corona impeachment batayan sa hiling ng prosekusyon...

Pagkuha ng bank records sa Corona impeachment batayan sa hiling ng prosekusyon – Diokno

2
0

MANILA, Philippines – Ginamit ng House prosecution panel ang impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona bilang basehan para hilingin sa Senado na i-subpoena ang bank at tax records ni Vice President Sara Duterte at ng asawa nitong si Atty. Mans Carpio.

Sa oral arguments, ipinaliwanag ni House Prosecution member Akbayan Rep. Chel Diokno na pinayagan ng Senado noon na busisiin ang bank records ni Corona bago pa ito maging Punong Mahistrado.

“Sa huli, binusisi ng hukumang ito ang bank records ni Chief Justice Corona mula sa kanyang unang balance bago pa man siya naging Punong Mahistrado,” ani Diokno.

Target ng prosekusyon na makuha ang bank records, Bureau of Internal Revenuee (BIR) documents, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) reports ng mag-asawang Duterte.

Ito ay para patunayan ang Article II ng impeachment, kung saan inaakusahan si VP Sara ng pagkakaroon ng unexplained wealth na hindi tugma sa kanyang kita at sa isinumiteng SALN.

Ipinaalala rin ni Diokno na mismong si Senate President Chiz Escudero, na syang presiding officer ngayon sa paglilitis kay Duterte, ang nagbukas ng isyu noon kay Corona kung saan pinayagan ng Senado na tanggapin ang mga lumang financial records bilang ebidensya.

Giit ng prosekusyon, may kapangyarihan ang Senado na silipin ang mga lumang dokumento upang patunayan kung karapat-dapat pa rin sa pwesto ang isang opisyal. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here