MANILA, Philippines – NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ehekutibo ng Singapore-based companies, na nangako na palalawakin ang kanilang investment sa Pilipinas sa sektor ng kalusugan at digital technology.
Ang nasabing miting ay bahagi ng three-day working visit ng Pangulo sa Singapore.
Sa katunayan nagkaroon ng miting ang Pangulo sa ehekutibo ng Singapore-based private equity firm ABC Impact at local conglomerate Ayala Group, at maging sa mga kinatawan ng Temasek Trust, ang philanthropy arm ng Singaporean state-owned global investment firm Temasek, para pag-usapan ang mga inisyatiba na magpapalawak sa access sa dekalidad na pangangalaga sa kalusugan para sa mga Filipino.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), pinagtibay ng ABC Impact ang commitment na suportahan ang patuloy na pagpapalawak ng AC Health kasunod ng investment nito sa Ayala Healthcare Holdings Inc. (AC Health).
“As AC Health continues to expand its nationwide operations, the initiative is expected to create thousands of healthcare and retail jobs while helping build a more integrated, accessible, and resilient healthcare system that delivers better health outcomes for every Filipino,” ang sinabi pa ng PCO.
Noong Agosto ng nakaraang taon, ang ABC Impact—bahagi ng Temasek Group sa pamamagitan ng aTemasek Trust Asset Management—nag-subscribed sa 121.9 million common shares at 208.28 million redeemable preferred shares ng AC Health, nagbigay ito ng 16-percent minority stake sa Ayala subsidiary.
Ito ang first venture ng ABC Impact sa Pilipinas matapos ang health-care investments nito sa India, China at Vietnam.
Pangunahing sinusuportahan nito ang pagpapalawak ng network ng mga ospital, multi-specialty clinics at retail pharmacies.
Sa taong 2027, plano ng AC Health na magkaroon ng 10 ospital, 300 klinika at 1,150 pharmacy sa portfolio nito, kabilangd ito ang Healthway Medical Network, Generika Drugstore, IE Medica, MedEthix at St. Joseph Drug.
Nakapulong din ng Pangulo ang mga ehekutibo ng Singaporean telecommunications conglomerate Singtel Group para pag-usapan ang inisyatiba na magpapalawak sa investment sa digital infrastructure ng Pilipinas at suporta sa lumalagong digital economy ng bansa.
Ayon sa PCO, binigyang diin ng pagpupulong ang patuloy na kumpiyansa ng Singtel sa Philippine market sa pamamagitan ng ‘long standing partnership’ nito sa Globe Telecom at lumalagong NCS Philippines, isang joint venture sa pagitan ng NCS at Yondu ng Globe.
Muling pinagtibay ng Singtel ang commitment nito na palawakin ang investments at operason sa bansa habang ang nagpapatuloy na development ng ST Telemedia Global Data Centres (STT GDC) sa Quezon City at Cavite ay magpapalakas sa digital infrastructure ng Pilipinas at palakasin ang posisyon bilang isang umuusbong na regional data hub.
“Promoting sustained investments in digital infrastructure will strengthen the country’s connectivity, generate more high value employment, and support long term economic growth,” ayon sa PCO. KRIS JOSE