Home NATIONWIDE DOTr, nakatanggap ng unmodified opinion mula sa COA matapos ng higit 30...

DOTr, nakatanggap ng unmodified opinion mula sa COA matapos ng higit 30 taon

3
0

MANILA, Philippines — Nakatanggap ang Department of Transportation (DOTr) ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa fiscal year 2025, ang una nito sa loob ng mahigit 30 taon.

Ayon sa COA, ang unmodified o unqualified opinion ay ibinibigay kapag ang financial statements ng isang ahensya ay inihanda alinsunod sa itinakdang financial reporting standards.

Sinabi ng DOTr na natanggap nito ang naturang pagkilala sa ilalim ng pamumuno ni Transportation Secretary Giovanni Lopez.

Ayon pa sa ahensya, ang unmodified opinion ay sumasalamin sa kanilang consolidated financial statements para sa 2025 at nagpapakita ng maayos na pamamahala at paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Binigyang-diin din ng DOTr na ipinapakita ng pagkilalang ito ang kanilang patuloy na pagsisikap na matiyak ang tamang paggamit ng pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa transportasyon at sa mga attached agencies nito.

Dagdag pa ng DOTr, bilang isa sa pinakamalalaking ahensya ng pamahalaan na may malaking pondo, mahalaga ang pagkilalang ito bilang patunay ng kanilang pananagutan sa wastong paggamit ng pondo ng bayan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here