Home NATIONWIDE Kaso laban sa DTI assistant secretary, ibinasura

Kaso laban sa DTI assistant secretary, ibinasura

3
0

MANILA, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan Sixth Division ang kahilingan ng Office of the Ombudsman na bawiin ang kasong falsification of public documents laban kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Domingo Razon Tolentino Jr.

Ayon sa prosekusyon, kulang ang ebidensya upang patunayang ang ginawa umano ng akusado ay “resulted in actual damage or injury to the government.”

Sa resolusyong inilabas noong Hulyo 13, sinabi ng Sandiganbayan:

“The Court Resolves to grant the prosecution’s Motion to Withdraw Information.”

Noong Hunyo 4, 2018, sinampahan ng Ombudsman si Tolentino dahil umano sa pamemeke ng Certificate of Authority to Import (CAI) ng Joferds Trading and Rebuilding Center, na sinasabing nagdulot ng pinsala sa pamahalaan.

Ayon sa kaso, nag-apply lamang ang kumpanya para sa CAI noong Mayo 18, 2018, ngunit pinalabas umano na naihain at natanggap ito ng tanggapan ni Tolentino noong Mayo 25, 2018.

Gayunman, sa resolusyon ng Ombudsman noong Nobyembre 26, 2025, sinabi nitong:

“the records are bereft of evidence demonstrating that respondent’s actions resulted in actual damage or injury to the government.”

Dahil dito, sinabi ng Sandiganbayan na nararapat bawiin ang kaso.

Idinagdag din ng korte na ang kaso ay dapat sana’y isinampa sa Regional Trial Court sa ibang judicial region kaysa sa lugar kung saan nakatalaga ang akusado.

Inalis na rin ang hold departure order at bond ni Tolentino. Samantala, naging moot na ang kanyang mosyon na ibasura ang kaso dahil sa pag-atras ng impormasyon ng prosekusyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here