CAVITE, Philippines – Isang 22-anyos na lalaki na suspek sa pagpatay sa isang motorcycle rider at sa pagnanakaw ng motorsiklo ng biktima ang nadakip ng pulisya makaraang matunton ngang kinaroroonan nito sa isinagawang follow-up operation sa Tondo, Maynila.
Sa report, ang suspek na si alyas “Eman,” residente ng Road 10, Aroma, Barangay 105, Tondo, Manila.
Ayon sa nakalap na impormasyon, bandang alas-5:00 ng umaga noong Hulyo 14, 2026, ikinasa ng Trece Martires Police at ang iba’t ibang unit ng Philippine National Police ang nasabing operasyon sa pag kakaaresto sa suspek.
Napag alaman na si alyas “Eman” ang pinaniniwalaang sangkot sa pamamaril na ikinamatay ng rider na si Ren Ren Lota De La Viga sa Carmona, Cavite.
Matapos tinangay rin ang motorsiklo ng isa pang biktima na si alyas “Rodmar,” isang Honda Click 125 na kalauna’y nabawi sa operasyon.
Lumitaw rin sa imbestigasyon na ginamit umano ng suspek ang Facebook Messenger account ng nasawing biktima upang magpanggap na ito at makahingi ng pera sa kapatid ng biktima sa pamamagitan ng GCash.
Dahil sa isinagawang intelligence operation, natunton ng mga pulis ang recipient store kung saan kukunin ang ipinadalang pera at doon naaresto ang suspek habang kino-claim ang transaksyon.
Sa isinagawang body search, narekober mula kay “Eman” ang isang .45 caliber pistol na walang serial number, may nakakabit na magazine at pitong bala. Nabawi rin ang carnapped na Honda Click 125 na may plakang 0238GH.
Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung may iba pang kasabwat ang suspek at kung may kaugnayan siya sa iba pang krimen sa lalawigan.
Nasamapahan na ng kaukulan.kaso.ang suspek na nasa kostudiya ngayon ng pulisya. MARGIE BAUTISTA