Nagprotesta ang Akbayan, Sentro, at mga consumer ng Meralco sa harap ng Meralco Commonwealth Office sa Quezon City nitong Hulyo 16 upang hilingin sa pamahalaan na palawigin ang suspensyon ng pagputol ng suplay ng kuryente habang patuloy na nahihirapan ang maraming pamilyang Pilipino sa mataas na singil sa kuryente.
Muli ring nanawagan ang mga grupo na imbestigahan ang mga singil ng Meralco, dahil umano sa patuloy na nakalilitong at mabigat na mga bayarin na kinakaharap ng mga konsyumer.
Ang panawagang ito ay isinagawa isang buwan matapos maghain ang mga mambabatas ng Akbayan ng House Resolution No. 995 na humihiling ng imbestigasyon sa mga singil sa kuryente ng Meralco. DANNY QUERUBIN