Home NATIONWIDE DOH: Deworming, ligtas

DOH: Deworming, ligtas

2
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) nitong Huwebes, Hulyo 17, na ang deworming ay nananatiling ligtas at epektibo sa pagprotekta sa mga bata kasabay ng paalala sa publiko laban sa misinformation kasunod ng pagkasawi ng Grade 4 student sa Cavite.

Nag-isyu ang DOH ng pahayag kasabay ng paghimok nito sa publiko na suportahan ang nationwide deworming activities ngayong Hulyo.

“The deworming medicine used in the program, Albendazole, has been part of the country’s public health program for nearly three decades and is recommended by the World Health Organization. It is generally safe and well tolerated,” ayon sa DOH.

Matapos ang deworming, ipinaliwanag ng DOH na ang bata ay maaaring makaranas ng mild at pansamantalang side effects katulad ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, lagnat, diarrhea, o skin rashes.

“These reactions are expected in some cases, usually occur within the first few hours, and can be managed with proper medical guidance,” sinabi pa ng ahensya.

Inatasan ng Health Department ang mga health worker at lokal na pamahalaan na mahigpit na sundin ang safety protocols sa school- at community-based deworming activities upang masiguro ang ligtas na pagbibigay ng gamot at tamang pamamahala sa mga adverse effect.

Nagpaalala pa ang DOH sa publiko na makinig lamang sa mga beripikadong impormasyon mula sa ahensya at iwasan ang pagbabahagi ng hindi beripikado o misleading na mga report na maaaring magdulot ng takot at pagkabahala sa publiko sa pagkuha ng bakuna.

Matatandaan na nasawi ang Grade 4 student na si Rex mula sa Hugo Perez Elementary School-Annex sa Trece Martires City, Cavite matapos ang deworming activity sa paaralan.

Nagsasagawa na ng joint investigation ang Philippine National Police kasama ang Department of Education sa pagkamatay ng estudyante. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here