Home NATIONWIDE Mga estudyante na nagpost ng banta sa dalawang paaralan sa Cebu gusto...

Mga estudyante na nagpost ng banta sa dalawang paaralan sa Cebu gusto makatakas sa exam

1
0

MANILA, Philippines – Natukoy ng mga awtoridad ang mga estudyante na nagpost ng banta laban sa dalawang paaralan sa Talisay City, Cebu.

Sa ulat, nakatanggap ang Talisay City National High School ng banta ng pamamaril noong Hulyo 5 habang nakatanggap din ng parehong banta ang isa pang paaralan isang araw makalipas nito.

Kasunod ng imbestigasyon, nalaman ng pulisya na ang mga estudyante ay 12 at 13 anyos.

Umamin ang dalawa na nagpost sila ng naturang banta sa social media, ayon kay Lt. Col. Homobuno Romero Sayson, hepe ng Talisay City Police Station.

Napag-alaman din na ginawa ng mga estudyante ang pagbabanta para masuspinde ang pasok sa paaralan dahil hindi sila nakapaghanda sa pagsusulit.

Ang dalawang estudyante mula sa Talisay, kasama ang isa pang estudyante mula Carcar City na nakuhanan naman ng kutsilyo sa labas ng paaralan, ay tinawag para makausap ni Cebu Governor Pamela Baricuatro noong Hulyo 13.

Nakausap ng gobernador ang mga menor de edad kasama ang mga magulang nito at pinayuhan kung paano magbabago bilang isang mabuting estudyante.

Sinimula na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang intervention program para sa tatlong menor de edad.

Kasunod ng insidente ay hinigpitan ng Talisay City National High School ang seguridad sa paaralan at mahigpit na minomonitor ang mga papasok sa paaralan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here