Home NATIONWIDE Padilla naniniwala sa Christian communism, Muslim Muakhat

Padilla naniniwala sa Christian communism, Muslim Muakhat

2
0

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni Senador Robin Padilla nitong Huwebes, Hulyo 16 ang komunismo na kanyang pinaniniwalaan, ang Christian communism at Muslim Muakhat.

Ito ay isang araw matapos niyang sabihan ang witness sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na siya ay komunista.

Ani Padilla, kailanman ay hindi siya naniwala sa komunismo na mayroong armed struggle.

“Itong armadong komunismo na ito ay 50 taon na sa ating bansa,napakaraming buhay na ang nawala una na ang mga kabataang estudyante na nahimok mamundok.Hindi na ito ang komunismo na aking tinutukoy,” sinabi ni Padilla.

“Ang sinasabi ko na komunismo ay hindi ang komunismo na ito na dati kong pinaniwalaan, ang komunismo na aking sinabi ay ang lolo ng komunismo ni Karl Marx. ‘Yan po ay ang mga unang Kristiyano at unang mga Muslim na nagsagawa nito sa Madinah,” dagdag pa.

“Ang tawag po diyan sa kanila ay Christian communism, at sa mga Muslim ay Mu’tah system. Ito po ang mga tunay na socialist at communist practice,” pagpapatuloy ni Padilla.

Noong Martes, inamin ni Padilla na siya ay komunista, kasabay ng pagkwestyon kay National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Jeremy Lotoc kaugnay sa “Oplan Romanov.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here