THE HAGUE – Plano ng Dutch government, kung saan ang International Criminal Court (ICC) na bumoto pabor sa pag-alis kay ICC prosecutor Karim Khan sa special session ng 125 member states ng korte sa susunod na linggo, na ipinag-utos na sibakin dahil sa umano’y sexual misconduct.
Itinanggi ni Khan ang maling ginawa at tinawag ang desisyon na suspendihin siya bilang unjustified at unlawful.
Sa liham sa Dutch parliament na pirmado ng mga minister of justice at foreign affairs, sinabi ng pamahalaan na susundin nito ang rekomendasyon ng mga opisyal mula sa governing body ng korte na si Khan ay dapat na alisin dahil sa seryosong misconduct na nagawa nito.
Nagdesisyon ang mga diplomat na nagpapatakbo sa oversight body ng ICC na si British barrister Khan ay nagkaroon ng inappropriate ​sexual relationship sa junior staff member nito at dapat na alisin sa pwesto.
“Although the balance of forces within the Assembly of States Parties (ASP) is still evolving, the view of most member states seems to align with the recommendation of the ASP bureau,” saad sa liham.
Pagbobotohan ng Assembly of States Parties ang kapalaran ni Khan sa Hulyo 24. RNT/JGC