Home ENTERTAINMENT Ate Gay, nakitaan uli ng bukol sa leeg, naagapan!

Ate Gay, nakitaan uli ng bukol sa leeg, naagapan!

2
0

Manila, Philippines – Sana nga’y completely out of harm’s way na si Ate Gay.

Ito’y matapos makitaan ng panibagong bukol sa kanyang leeg.

Bale ba, ilang araw lang ito matapos niyang ibalita na nalusaw na ang mga naunang cancerous lumps niya.

Sa kanyang Facebook, Ate Gay shared his recent hospital visit para sa kanyang panibagong gamutan.

Post niya: “Nakitaan ako ng bukol sa ibaba ng leeg ko malapit sa balikat na agad naagapan.”

Muling sumailalim ang standup comedian sa CyberKnife, isang robotic radiation therapy system that treats tumors.

Sa kabila nito, Ate Gay remains positive.

He even thanks his “angels” at ang medical team na umaalalay sa kanya.

Ani Ate Gay, may clearance siya mula sa mga ito, allowing him to perform.

Matatandaang noong isang taon noong masuri si Ate Gay na merong mucoepidermoid squamous cell carcinoma, isang uri ng cancer. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here