Home NATIONWIDE Ebola kumakalat sa DRC ‘faster than any previous outbreak’ – WHO

Ebola kumakalat sa DRC ‘faster than any previous outbreak’ – WHO

1
0

CONGO – Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa pagkalat ng Ebola sa Democratic Republic of Congo na mas mabilis kaysa sa mga dating outbreak ng virus.

Mahigit 2,000 kaso kabilang ang 796 na pagkasawi ang kumpirmado sa DR Congo mula nang ideklara ang outbreak dalawang buwan na ang nakalilipas, at “now the third-largest Ebola outbreak on record”, WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus told reporters.

Sa pagkukumpara, ipinunto niya na ang malaking Ebola outbreak sa DRC noong 2018 hanggang 2020 “took more than 10 months to reach 2,000 confirmed cases”, at nagbabala na ang virus ay mas mabilis ngayon sa pagkalat.

“In the past month, it has expanded faster than any previous outbreak,” babala pa ng WHO.

Idineklara ang ika-17 Ebola outbreak sa DRC noong Mayo 15.

Bagamat mas pinalakas pa ang pagtugon sa outbreak, nagbabala si Tedros na “more than 80 percent of new cases are being detected outside known contact lists, showing that transmission chains are still being missed”.

“About two-thirds of deaths are occurring in communities among people who never received care in a health facility,” aniya.

Sinabi pa nito na isa sa pinakamalaking pangamba ay ang “the complex environment in which the outbreak is happening”, kasabay ng aktibong armed conflict. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here